DIREK PERRY AT ERNIE KASAMA ANG MAIN CAST NG 'ASNP' copy

ANG Sikreto ng Piso ay family-oriented comedy at historical film na inspired ng mga totoong pangyayari sa smuggling sa Philippine peso coin noong 2006 ay inilunsad nitong Martes.

Wholesome, charming, at interesting ang istorya ng pelikula na bagay na bagay para sa bawat pamilyang Pinoy sa darating na Kapaskuhan, kaya ito ay ipinasa sa 2017 Metro Manila Film Festival.

Ang main plot ay tungkol sa pagmamahal sa pamilya at pagtutulungan ng bawat isa kapag may pagsubok na dumarating.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Ito ay isinulat at idinidirihe ng stage, TV at film actor-turned-director na si Perry Escaño, na isa rin sa siyam na finalists ng main competition ng full-length films sa 13th Cinemalaya Philippine Independent Film Festival para sa kanyang Ang Guro Kong ‘Di Marunong Magbasa.

Bida si Quezon City Congressman Alfred Vargas kaya pangalawang collaboration na nila ito ni Direk Perry dahil si Alfred din ang lead actor sa Cinemalaya action-drama entry na gaganapin na sa Agosto.

“We are hopeful to get a slot to this year’s MMFF with this comedy movie. It’s our gift for all Filipino families during Christmas season,” sabi ni Direk Perry.

As of press time, ang production team ay nakikipagnegosasyon kay Judy Ann Santos para sa role ng maybahay ni Ronnie (Alfred) sa istorya. Ang iba pang major roles ay iniaalok kina Joey Marquez, Wendell Ramos, Yuan Francisco, Long Mejia, at Beverly Salviejo.

Kumpirmado nang kasali sa cast sina Paul Sy (mainstay ng Home Sweetie Home ng ABS-CBN at winner ng “Look A Like” ng Showtime bilang Wally Walley), Lou Velsoso, Andoy Ranay, Ernie Garcia (na siya ring supervising producer ng pelikula), at iba pa.

Nais ring kunin ng production si McCoy de Leon para gumanap sa role ng kapatid ni Alfred, at si Elisse Joson bilang anak ni Joey sa istorya. Ang iba pang cast members ay sina Akihiro Blanco (Runner-up ng Artista Academy ng TV5) at ang new comer na si Kelvin Miranda.

Ito ay produced ng MPJ Entertainment Productions at JPP Entertainment na pag-aari ng beauty queen at fashion designer na si Joyce Peña Pilarky, na gaganap din bilang istriktong asawa ni Joey.

Sisimulan na ang shooting ng Ang Sikreto ng Piso sa Hulyo.