Angelica at John Lloyd copy

Ni: Reggee Bonoan

NAGKABALIKAN na ba sina John Lloyd Cruzat Angelica Panganiban?

Ito ang tumatagal na tanungin ng netizens dahil ilang beses nang nakikitang magkasama ang dalawa, nagsimula noong magpa-picture sa kanila ang staff ng kinainan nilang resto at kamakailan naman ay sa isang hotel sila nakita.

Human-Interest

ALAMIN: Bakit ikinukulong sa Sistine Chapel ang mga cardinal sa pagpili ng bagong Santo Papa?

Nitong kaarawan ng aktor na reggae ang concept sa isang bar, si Angelica ang kasama niyang nag-celebrate with their friends.

Prior to this, binigyan ng surprise birthday salubong si Lloydie ng buong team ng La Luna Sangre.

Para malaman ang real score, may pinagtanungan kaming kaibigan ng dalawa kung sila na ulit.

“Walang pag-amin, pero kung ibabase mo sa kilos nila, baka nga. Kasi naman kung magkaibigan lang ulit sila, bakit laging magkasama na dalawa lang sila? Siguro what you see is what you get na lang para tapos na.”

Sabagay, knowing John Lloyd, hindi naman siya mahilig magpakontrobersya at baka nga kapag tinanong siya ng entertainment reporter tungkol sa real score nila ngayon ni Angelica, e, baka aminin na.