Ni: Marivic Awitan

NAAMYENDAHAN ng Premier Volleyball League (PVL) ang panuntunan para sa mga permanent foreign residents na nagbigay daan para sa dating Ateneo star na si Amy Ahomiro na muling makapaglaro para sa Perlas Lady Spikers sa PVL Open Conference na magsisimula sa Sabado sa Fil-oil Flying V Arena sa San Juan City.

Ayon kay Ricky Palou, presidente ng organizer na Sports Vision , pahihintulutan ng liga ang mga players na may Alien Certificate of Residence (ACR) kung may isang dekada na itong naninirahan sa Pilipinas.

Pasok si Ahomiro sa nasabing panuntunan kaya puwede itong maglaro sa Perlas.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

"Our next conference is an Open Conference, not All-Filipino," ani Palou. "This is because we will allow foreign nationals who are residents of the country and holders of an ACR to play in our league.

"However, we have put a restrictions and only foreign residents and ACR holders if an ACR for 10 continuous years will be allowed to play in Open Conference," dagdag nito.

"Yes, Kiwi (Ahomiro) will play this conference," ayon naman kay Charo Soriano, isa sa mga Perlas manager at co-founder ng Beach Volleyball Republic.

Makakasama ni Ahomiro para sa Perlas sina dating State U standouts Kat Bersola at Nicole Tiamzon, Ateneo libero Gizelle Tan, Ella de Jesus, Jam Ferrer, Suzanne Roces, Mae Tajima at Ryssabel Devanadera.

Makakatunggali ng Perlas ang Air Force sa tampok na laban ganap na 6:30 ng gabi.