Ni REGGEE BONOAN

WORLDWIDE trending ang episode ng La Luna Sangre nitong Biyernes bunsod ng pamamaalam ng karakter nina John Lloyd Cruz (Matteo) at Angel Locsin (Lia) kasama sina Wowie de Guzman (Benjie), Romnick Sarmenta (Tonyo) at Nina Dolino (Clarisse) dahil sa pagtatanggol kina Matteo, Lia at Malia.

Ricahrd2 copy

Napakatindi ng pilot week ng La Luna Sangre na pinagbidahan nina John Lloyd at Angel kasama sina Romnick, Bryan Santos, Joross Gamboa, Victor Neri at ang mga gumanap na batang Tristan (Justin James Quillantang) at Malia (Erika Clemente) at Sandrino (Richard Gutierrez) kaya hindi sila binitiwan ng manonood. Straight na isang linggo silang panalo sa ratings game.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Marami ang napaiyak at bumaha ng mga pagbati last Friday nang mapanood sa pagkamatay nina Matteo at Lia sa mga kamay ni Sandrino para iligtas ang kanilang anak na si Malia.

Magkahawak-kamay na namatay sina Matteo at Lia at may tumulong luha sa mga mata ng huli. Ito ang naging laman ng naoakaraming post sa social media, dahil hinangaan nang husto ang napakagandang execution sa eksena. Tagos daw kasi sa puso.

Pinuri rin nang husto ang bakbakan nina Sandrino at Matteo na naging bampira na rin dahil nagpakagat na kay Bryan (Gael) para makalaban nang sabayan aa una.

Ang akala ni Sandrino, porke’t napatay na niya sina Matteo at Lia habang karga ang inakalang anak na si Malia ay wala na siyang problema, pero nagkakamali siya dahil nailigtas ng isang lobo ang bata at dinala kina Victor Neri (Frederick) na wish lang namin ay hindi na rin palabasing buhay si Ina Raymundo (Veruska) dahil siya ang nagsumbong kung saan matatagpuan ang mag-iina.

Nakakaisa ang netizens sabsinasabing, “Sana ginawang one month sina Angel at John Lloyd. Sana hindi muna sila pinatay. Sana may next project silang magkasama.”

Anyway, abut-abot ang pasasalamat ni Richard sa dalawa, ipinost niya ito sa Instagram na may litratong magkakasama sina Lloydie, Erika (Malia), Justin (Tristan) at Angel.

“It’s been epic working with these great actors. Genuine people that made it a fun working experience and also made me push myself and further enhance my craft.

“To Angel, after ten years, it’s nice to finally share the screen with you again, the big screen soon just a teaser for (ChardGel)

“To John Lloyd, always respected you as an actor, but now as an action star as well. Haha! Good times filming our fight scenes. Hoping to be able to work with you again in the future.”

Samantala, bukas (Lunes) ay mapapanood na lumaki na sina Tristan (Daniel Padilla) at Malia (Kathryn Bernardo).

Ipinakita sa teaser na nagkita na kaagad ang dalawa dahil inabutan ni Tristan sa kanyang minamanehong dyip si Malia na nagtatago.

Napapanood ang La Luna Sangre pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano sa ABS-CBN.