Ni ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS

Tiniyak kahapon ng Malacañang na matutuldukan ang mapapanagot ang nasa likod at umano’y mga pang-aabuso sa karapatang pantao sa Marawi City, na saklaw ng umiiral na batas militar sa Mindanao.

Ito ay makaraang batikusin ng mga kasapi ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) sa Lanao del Sur ang “wanton disregard of sanctity of domicile, the right against deprivation of property without due process of law, the right to be secure in one’s person, house, papers and effects against unreasonable searches and seizures” na ginawa umano ng mga sundalo at pulis.

Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, hindi kinukunsinti ni Pangulong Duterte, ng Armed Forces of the Philippines (AFP), ng Philippine National Police (PNP), at ng Department of National Defense (DND) ang anumang pang-aabuso ng militar o pulisya sa Mindanao o saan pa mang lugar.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

“We will investigate and, if evidence warrants, prosecute and punish all those who committed abuses, especially sexual violence against women,” sinabi ni Abella nang kapanayamin ng Radyo ng Bayan kahapon.

Sinabi ni Abella na nakasaad sa huling report ng Commission on Human Rights (CHR) na wala pang naitatalang kaso ng pag-abuso o paglabag sa karapatang pantao sa batas militar na ipinaiiral sa Mindanao.

“We do note the recent report of the Commission on Human Rights (CHR) that found no evidence of abuse of martial law in Mindanao. Should there be, proper complaints must be promptly filed,” ani Abella.

Pinuri rin ni Communications Secretary Martin Andanar ang nasabing report ng CHR at sinabing pinatutunayan nito ang propesyunalismo ng mga tropa ng gobyerno habang tumutupad sa kani-kanilang trabaho.

Mayo 23 nang magdeklara si Duterte ng batas militar sa Mindanao, kasabay ng 60 araw na pagsuspinde sa prebilehiyo ng writ of habeas corpus sa rehiyon ilang oras makaraang salakayin ng Maute Group ang Marawi City sa Lanao del Sur.