MINNEAPOLIS (AP) — Itutuloy nina coach Tom Thibodeau at Jimmy Butler ang naunsiyaming tambalan – ngunit sa pagkakataong ito sa kampo ng Timberwolves.

Sa isang sopresang desisyon, ipinamigay ng Chicago Bulls ang three-time All-Star at karapatan sa 16th overall pick sa Minnesota kapalit nina Zach LaVine, Kris Dunn at No. 7 overall pick nitong Huwebes (Biyernes sa Manila).

Muling magkakasama sa iisang bubong sina Butler at Thibodeau, coach ng Bulls sa limang season bago pinalitan noong 2015. Binigyan ng karanasan at tibay sa fronline ni Butler ang batang koponan ng Wolves.

Malaki ang nawala sa Wolves na ipinapalagay na future ‘super team’ bunsod ng presensiya nina La Vine, two-time Slam Dunk champion at dating top pick na sina Carl Anthony Towns at Andrew Wiggins.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nakasama ni Butler si Thibodeau sa apat na season sa Chicago kung saan nabuo ang tiwala nila sa isa’t isa.

Binitiwan ng Wolves si Arizona sharpshooter Lauri Markkanen bilang No.7 sa Bulls. Nakuha naman ng Bulls si Creighton forward Justin Patton billing No. 16.