Ni: Vanne Elaine P. Terrazola

Makasisiguro ang mga jeepney operator, driver at manufacturer na patuloy silang tatangkilikin ng publiko sa ilulunsad na public utility vehicle (PUV) modernization program ng pamahalaan.

Sa pangamba ng transport groups, sinabi ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade na hindi papatayin ng nasabing programa ang jeepney sector at layunin lamang nito na magkaroon ng mas ligtas, maayos at environment-friendly na transportasyon para sa publiko.

“This administration favors the jeepney livelihood, but we see that this livelihood should not kill the people and the environment. It should respond to what the public needs – that is our objective,” sinabi ni Tugade sa mga mamamahayag matapos ilunsad ang modernization program sa Camp Aguinaldo nitong Lunes.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Sinabi ni Tugade na bukas ang DOTr sa diyalogo at handang tumanggap ng mga proposal mula sa grupong nais magbigay ng suhestiyon sa programa.

Sa 400,000 rehistradong PUV sa bansa, nasa 50 porsiyento o 180,000 ang jeep, ayon kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Martin Delgra III. Karamihan sa mga ito ay pinaniniwalaang 15 taon na o higit pa, aniya.

Sinabing hindi basta-basta aalisin ng gobyernp ang mga luma at kakarag-karag na jeep sa kalsada, layunin umano ng DOTr na gawing electric, Euro 4-engined, o hybrid ang mga unit na ito.