Ni: Bella Gamotea at Mary Ann Santiago
Naputol ang biyahe ng Metro Rail Transit (MRT)-3 kahapon ng umaga dahil sa nagkalat na basura sa riles ng tren mula Magallanes station sa Makati City hanggang Taft Avenue station sa Pasay City.
Kinumpirma ng Department of Transportation na dakong 6:44 ng umaga nang limitahan ang biyahe ng mga tren dahil sa mga basurang sumabit sa mga kawad ng kuryente sa riles. Nilimitahan ng MRT ang biyahe ng mga tren mula North Avenue station sa Quezon City hanggang Shaw Boulevard sa Mandaluyong City at pabalik lamang. Nagbalik sa normal ang biyahe ng mga tren dakong 7:56 ng umaga.
Sinabi ni MRT operations manager Engineer Deo Manalo, na ipinahahanap na niya kung nakuhaan ng CCTV ang pagtatapon ng basura sa mga riles upang mapanagot ang may kagagawan nito.