WELLINGTON (AFP) – Pumanaw si Vanuatu President Baldwin Lonsdale dahil sa sakit sa puso, iniulat ng Vanuatu Daily Post nitong Sabado. Siya ay 67.

Si Lonsdale, na sinibak ang kanyang gobyerno dalawang taon na ang nakalilipas dahil sa malawakang katiwalian, ay namatay sa Port Vila, ang kabisera ng Pacific island nation. Siya ay dating paring Anglican priest bago nahalal na pangulo noong 2014.

‘’National Flag is at half mast early this morning. His body is reportedly at the Vila Central Hospital,’’ saad sa pahayagan.

Nagpahayag si dating Vanuatu MP Sela Molisa sa Radio New Zealand na ‘’Vanuatu has lost one of its greatest leaders.’’
Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'