Mga Laro Ngayon (Ynares Sports Arena, Pasig)

12 n.t. – AMA vs Zark’s Burger

2 n.h. – Tanduay vs Marinerong Pilipino

ni Marivic Awitan

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

MAGTUTUOS ngayon ang dalawang koponang binubuo halos ng nag beteranong manlalaro – ang Tanduay at Marinerong Pilipino – sa pagpapatuloy ng aksiyon sa 2017 PBA D-League Foundation Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Maghihiwalay ng landas ang Rhum Masters at Skippers na kasalukuyang magkasalo sa ikalimang puwesto taglay ang patas na barahang 1-1, sa kanilang pagtatapat ganap na 2:00 ng hapon.

Kapwa galing sa kani -kanilang unang panalo, kapwa maghahangad ang dalawang koponan na makapagsimula ng kani -kanilang winning run na naging krusyal sa hangad nilang masama sa kalahati ng mga koponang nasa itaas ng standings.

Manggagaling ang Rhum Masters sa 13-day layoff matapos itala ang 75-60 panalo kontra Centro Escolar University noong Hunyo 6.

Inaasahan ni coach Lawrence Chongson na magiging daan ang nasabing malaking panalo sa magandang patutunguhan ng kanyang koponan.

“I retained 11 players from last conference and ang nilalaban ko lang naman dito is yung familiarity and chemistry ng mga players ko,” ani Chongson na muling sasandal kina Lester Alvarez, Jerwin Gaco, at Adrian Santos.

Sa kabilang dako, umaasa naman si coach Koy Banal na ang naitala ng Skippers’ na 66-65 na upset kontra Cignal HD na magsisilbing buwelo upang tuluyang pumailanlang ang kanyang koponan.

“We gave the players ample time to rest and we’re making sure that we’re well prepared for Tanduay. But again, we’re not focusing on our opponent but rather, on ourselves,” ani Banal na aasang muli kina Mark Isip, Achie Iñigo, at Julian Sargent upang mamuno sa Marinerong Pilipino.

Magtutuos ang dalawang koponan matapos ang unang salpukan sa pagitan ng mga cellar-dwellers AMA Online Education (0-2) at Zark’s Burger (0-3) ganap na 12:00 ng tanghali.