MADRID (AFP) – Libu-libong katao ang nagmartsa sa Madrid nitong Sabado para hilingin sa Spanish government na panindigan ang pangako nitong tatanggapin ang mahigit 17,000 refugee bilang bahagi ng relocation plan ng Europe.

‘’No human being is illegal,’’ sigaw ng mga tao sa ilalim ng matinding sikat ng araw sa central Madrid. Bitbit nila ang mga karatula na may mga nakasulat na ‘’Bridges not walls’’ at ‘’Enough with excuses, no more barriers’’.

Isinagawa ang protesta, inorganisa ng ilang NGO kasama ang Amnesty International, ilang araw bago ang World Refugee Day sa Martes.
Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture