Ni PNA

DAVAO CITY – Isasagawa ang Oriental and Pacific Boxing Federation (OPBF) Convention sa Nobyembre 9-12 sa Puerto Princesa City, Palawan, ayon kay Games and Amusements Board (GAB) Chairman Abraham Kahlil “Baham” Mitra.

“We expect a number of foreign delegates plus expert referees and judges to give seminars to attendees,” sambit ni Mitra nang dumalo kamakailan sa 34th International Boxing Federation (IBF) Annual Convention St. Petersburg, Florida, USA.

Kabilang sa VIP sina World Boxing Council (WBC) President Mauricio Sulaiman at OPBF President Juan Ramon Guanzon.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“We will welcome them to the number one island and tourist spot in the world,” sambit ni Mitra.

Magsasagawa ng seminar sa unang dalawang araw ng convention, habang ang boxing event ay sa Nobyembre 10. Magkakaroon ng Tour ang mga kalahok sa Nobyembre 11 bago ang closing ceremony.

Isinagawa ang OPBF convention sa nakalipas na taon sa Bacolod City.

Itinatag ang OPBF noong 1955 at co-founder ng WBC noong 1963.

Ang OPBF ay isa sa 11 continental federation na bumubuo sa WBC. Kabilang sa mga miyembro ng OPBF regional group ang Australia, Fiji, Guam, Hawaii, Hong Kong, India, Indonesia, Japan, Korea, Mongolia, New Zealand, PAMA, Republic of China, Samoa, Taiwan, Thailand, Tonga at Philippines.