Ni: Leandro Alborote

GERONA, Tarlac - Limang menor de edad ang pansamantalang nakadetine sa pulisya matapos nilang pasukin ang isang sari-sari store sa Manila-North Road sa Barangay Poblacion 3, Gerona, Tarlac, nitong Huwebes ng madaling araw.

Sinabi ni PO2 Christian Rirao na ang mga naaresto ay may edad 14, 16, at 17, at pawang taga-Gerona.

Napag-alaman na tinangay ng mga menor de edad ang P10,000 halaga ng grocery items at kaunting pera mula sa tindahan ni Roberto Paulo, 40, ng Bgy. Poblacion 1, Gerona.

Probinsya

Mag-inang menor-edad, natagpuang nabubulok na bangkay sa loob ng sariling bahay

Sa follow up operations ng pulisya, namataan umano ang limang suspek bitbit ang grocery items sa Gerona Public Market kaya dinakip ang mga ito.