00c84ab37d23aad27fcd5eb3b529f939 copy

Ni: Gilbert Espeña

NANINIWALA ang mga kinatawan ng Floyd Mayweather Jr.-Conor McGregor fight na wawasakin ng laban ang marka na nilikha ng Mayweather-Manny Pacquiao showdown may dalawang taon na ang nakararaan.

Ang $100 pay-per-view event noong Mayo 2015, ay lumikha ng 4.6 milyon buys at kumita ng $600 milyon na overall revenue kaya hawak ang lahat ng rekord ngayon bilang pinakamalaking boxing event.

Human-Interest

200 footprints ng dinosaur natagpuan sa England?

“I think this fight is bigger globally than Mayweather-Pacquiao was,” sabi ni UFC president Dana White sa panayam ng Boxingscene.com hinggil sa unang laban sa professional boxing ni McGregor

Magsasagupa sina Mayweather at McGregor sa junior middleweight limit na 154 pounds sa Agosto 26 sa Las Vegas, Nevada at ngayon pa lamang ay marami nang humuhula na mismatch ang sagupaan pabor sa Amerikano na sisirain din ang rekord ni dating undisputed heavyweight champion Rocky Marciano na perpektong 49 panalo na mayroon lamang 26 pagwawagi sa kncokouts.

Tiniyak ni Mayweather Promotions big boss Leonard Ellerbe na mahihigitan ng Mayweather-McGregor drama ang Mayweather-Pacquiao bout.

“Yes, of course,” sabi ni Ellerbe. “Why not? You’ve gotta understand, obviously with Mayweather-Pacquiao, and Stephen can attest to this, that was a fight that the fans had been talking about for years. There’s not one place that I go to, that Floyd goes to, that anybody affiliated or associated with Floyd Mayweather [goes to], that [we don’t get] asked the question, ‘Floyd, are you gonna fight Conor McGregor?’ This is a very, very hot fight and this is a fight that the fans want. It’s gonna be a tremendous event. The fans wanted this fight.”