Ni: Lito T. Mañago
BALIK-’PINAS na si Lea Salonga pagkatapos dumalo at maging presenter sa Tony Awards sa Radio City Music Hall sa New York City noong June 11.
Co-presenter ni Lea ang gumaganap ngayon bilang The Engineer sa Broadway revival ng Miss Saigon sa Broadway Theater na si Jonjon Briones at kasamahan niya sa West End noong 1989.
Nakaka-proud lang na dalawa sa maituturing nating musical genuises ay nasa pagtitipon ng mga miyembro ng actor’s equity ng Amerika at bahagi sila ng 71st Tony Awards.
Patok sa social media followers ni Lea ang mga selfie niya kasama ang ilang sikat na celebrities ng Broadway.
Bago pa man ang actual ceremony, sa rehearsal at red carpet pa lang, nakipag-selfie na ang nag-iisang Pinay at Asian theater actress na nag-uwi ng coveted Tony statue in 1991 for her role as Kim in Miss Saigon.
Tulad ng pangako niya, selfie here and there ang drama ng aktres. Kauna-unahan sa listahan si Josh Gad (Tony nominee para sa The Book of Mormon); sinundan ni Mark Hamill (kilala bilang Luke Skywalker sa Star Wars) at Lin-Manuel Miranda (creator ng award-winning musical na Hamilton).
Other selfies include Justin Guarini, David Abeles (In Transit), Christopher Jackson (Hamilton), Tommy Tune (The Will Rogers Follies), John Lithgow, Stephanie Block (Falsettos), Ben Platt (2017 Tony winner for Dear Evan Hansen), Erich Bergen (Madam Secretary), Courtney Reed (Alladin), Jordan Roth, Cobie Smulder (Present Laughter).
Meron ding selfie si Lea kina Eva Noblezada (Tony nominee for Miss Saigon), Josh Groban (The Great Comet 1812), Benj Pasek (Dear Evan Hansen), Denée Benton (The Great Comet 1812), Rachel Bay Jones (2017 Tony winner for Dear Evan Hansen) at former US Vice-President Joe Biden.
Bonus lang ang mga selfie ni Lea sa Hollywood at Broadway stars para sa kanyang social media followers. Higit na nakaka-proud na makita siyang kahilera ang kanyang pangalan ng mga ‘who’s who’ sa American theater at entertainment industry.