Ni: Argyll Cyrus B. Geducos

Iginiit muli ng Palasyo na walang seryosong karamdaman si Pangulong Rodrigo Duterte at umapela sa publiko na hayaan siyang magpahinga mula sa bugbugang trabaho.

Ito ay matapos hindi na masilayan sa publiko si Pangulong Duterte simula nang magbalik sa Manila noong Linggo ng gabi – at hindi rin nakadalo sa pagdiriwang ng ika-119 Araw ng Kalayaan sa Rizal Park kinaumagahan ng Lunes.

Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, 23 araw na lumagare si Duterte sa pag-aasikaso sa mga nangyayari sa Marawi City, Lanao del Sur.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

“The President is well. The President just needs [rest]. After all, you have to consider that he has been on the road for at least 23 days regarding him fulfilling his martial law supervision,” sinabi ni Abella sa regular press briefing sa Malacañang kahapon ng umaga.

“It has been really brutal so we have to allow him this time of rest,” aniya.

Isinailalim ni Duterte ang Mindanao sa martial law at sinuspinde ang writ of habeas corpus sa buong isla ng 60 araw dahil sa pag-atake sa Marawi.

Ipinaliwanag ni Abella na nagpapahinga lamang si Digong at muling haharapin ang maraming bagay sa mga susunod na araw.

“Well, you know he is taking some time off so I cannot really give you definite date but he’s just taking some time off to rejuvenate,” aniya. “Usually he has his own schedules.”

Nilinaw din niyang nasa Malacañang pa rin si Duterte taliwas sa pahayag ng ilang netizen na nakita nila ang Pangulo sa Davao City nitong Miyerkules.

“It’s his private time I’m sure he’s spending time mainly resting,” ani Abella.