KINUMPLETO ng Cignal ang dominasyon sa Air Force sa impresibong, 17-25, 27-25, 27-25, 16-25, 15-10, panalo para walisin ang best-of-three title series at angkinin ang kampeonato sa men’s division ng Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference nitong Martes sa PhilSports Arena.

Pinangunahan nina Rex Intal at Mark Alfafara ang ratsada ng HD Spikers sa naiskor na tig-17 puntos, habang kumana si Peter Torres ng 13 puntos at nag-ambag si Ysay Marasigan ng 12 puntos.

Nakabawi ang HD Spikers na nabigo sa Jet Spikers sa nakalipas na Spikers Turf Open at Reinforced Conference.

“Nakabawi rin. Yung pagkatalo naming previously ang gingamit naming motivation,” pahayag ni Cignal coach Oliver Almadro, gumabay sa three-peat ng Ateneo sa UAAP championship.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Nanguna sina Bryan Bagunas na may 23 puntos at Ranran Abdilla na kumubra ng 17 puntos para sa Air Force.