Diether & Megan MPK copy

Ni: NITZ MIRALLES

NATUPAD ang matagal nang wish ng fans ni Diether Ocampo na magbalik-showbiz siya dahil sa Sabado, guest siya sa Father’s Day episode ng Magpakailanman kapareha si Megan Young.

Sa kanyang first appearance sa GMA-7, gagampanan ni Diether ang karakter ng biyudong si Anton Ramos na gagawin ang lahat para matupad ang hiling ng namatay na asawa na i-breastfeed ang kanilang anak.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Matatandaan na dalawang beses nang napabalitang magiging Kapuso na si Diether. Noong una, may soap na sana siyang gagawin, pero nang-backout habang papalapit na ang taping dahil may gagawin daw na teleserye sa ABS-CBN. Hindi iyon natuloy dahil nagbuntis si Judy Ann Santos.

Ang sumunod na balita, siya raw sana ang leading man ni Sanya Lopez sa Afternoon Prime na Haplos, pero hindi rin natuloy. Si Rocco Nacino ang nakapareha ni Sanya at sa June 26, airing na ito.

Hindi pa alam kung simula lang ang Magpakailanman sa iba pang guesting ni Diether sa Kapuso Network o kung pipirma ba siya ng kontrata sa network para hindi lang sa Magpakailanman siya mapanood.

Sayang at walang presscon sa unang labas ni Diether sa GMA-7. Hindi siya matatanong kung bakit nagbalik-TV siya after a long absences? Saka, bakit sa Kapuso Network at hindi sa pinanggalingan niyang ABS-CBN?