Ni: Gilbert Espeña

SISIMULAN ni two-division world titlist Johnriel Casimero ang kampanya na maging ikaapat na Pilipinong naging kampeon sa tatlong dibisyon sa boksing sa kanyang 10-round super flyweight bout laban kay two-time world title challenger Richie Mepranum sa Hunyo 25 sa Iligan City, Lanao del Norte.

Dating IBF light flyweight at flyweight champion, gusto ni Casimero na sumunod sa yapak nina Manny Pacquiao, Nonito Donaire Jr. at Donnie Nietes na nakasungkit ng tatlong world titles at higit pa sa professional boxing.

Ayon sa kanyang promoter na si Sammy Gello-ani, huling lumaban si Casimero noong nakaraang Setyembre 16 nang talunin niya si Briton Charlie Edwards sa harap ng mga kababaan nito sa England sa pamamagitan ng 10th round knockout sa depensa ng IBF flyweight title pero binitiwan niya ang titulo sa unang bahagi ng taong ito.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

May rekord si Casimero na 23-3-0 na may 15 panalo sa knockouts at makakaharap niya ang mas beteranong si Mepranum na may kartadang 31-6-1 na may walong knockouts.