Ni: Anna Liza Villas-Alavaren

Bumulaga kahapon ang isang fetus malapit sa isang shopping mall sa Makati City, isang araw matapos madiskubre ang isang pinaghihinalaang bomba sa isang eksklusibong subdibisyon.

Ayon sa Makati City Police, nadiskubre ang fetus ng isang delivery boy, dakong 5:00 ng madaling araw, sa loob ng isang baggage na malapit sa isang mall sa Makati Avenue, Barangay San Lorenzo Village.

Base sa ulat, naghinala ang delivery boy sa laman ng baggage kaya binuksan niya ito.

Eleksyon

COC Filing Day 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Nagulat siya nang makita ang fetus, hindi pa alam ang kasarian, at tinawag ang security guard.

Mabilis na rumesponde ang mga tauhan ng Police Community Precint (PCP) 5, Makati City Police at dinala sa punerarya ang fetus.

Inaalam na ng awtoridad kung mayrong closed circuit television cameras sa lugar upang malaman kung sino ang nag-iwan ng fetus.