Martin at Rachelle Ann copy

KASAMA ni Rachelle Ann Go sa isang dinner sa isang undisclosed restaurant sa New York City ang napapabalitang boyfriend niyang si Martin Spies para i-celebrate ang 30th birthday ng huli.

Kilig-kiligan ang followers ni Shin (tawag kay Rachelle Ann) sa ipinost niyang photo sa social media na nakaakbay sa kanya ang masuwerteng guy at nasa harap nila ang isang platong stake at glass ng red wine na tila’y kanilang pinagsasaluhan.

“Thank you for being amazing! Happy 30th Marthinus!!!” caption ni Rachelle na nilagyan ng red heart emoticon sa dulo.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Una nang kinilig ang Instagram (IG) followers ni Shin nang mag-post siya ng kanilang photo sa harap ng Richard Rodgers Theatre nang manood sila ng award-winning musicals na Hamilton sa NYC. Na incidentally, gagampanan niya ang role na Eliza Schuyler Hamilton sa West End sa London simula sa Nobyembre.

Sa naturang event din nalaman ang name ng lalaking nagpapatibok ng puso ng singer/actress. Isang follower ni Rachelle ang nag-tag sa guy kaya nalaman ang kanyang buong pangalan.

Kapag pinuntahan at binisita ang IG account ni Martin (@spiesmj), naka-private ito. Tanging sina Rachelle at KC Concepcion lang ang celebrities na naka-follow sa kanya.

Matipuno, hunky at kagalang-galang ang personality ni Martin. Hindi nakapagtatakang ma-in-love sa kanya ang Broadway star.

Si Martin ang ka-date at escort ni Rachelle sa opening ng Miss Saigon nu’ng March 24 sa Broadway Theatre.

Two months pagkatapos ng opening night, saka lang nai-post ni Rachelle ang kanilang photo na kuha sa after party ng Miss Saigon sa Tavern On The Green malapit sa Central Park.

Sa pagsasaliksik namin at pag-google ng pangalan ng diumano’y kasintahan na ni Rachelle, si Martin ay kasamahan ng aktres sa Christian fellowship na Every Nation Church sa New York.

Boto ang mga follower at fans ni Rachelle sa lalaki at anila’y panahon na para magka-lovelife ang kanilang idolo.

Wala pang reaksiyon o sagot si Shin sa mga nagtatanong na followers kung si Martin na ba ang nagpapatibok ng kanyang puso, as in dedma ito at kumbaga, ‘read between the lines’ na lang ang drama ng mga tagahanga.

Sa edad na 31, handa na rin naman si Rachelle to raise her own family. Sagot na nga kaya si Martin sa matagal nang katanungan kung kailan niya ipapakilala ang lalaking makakasama niyang humarap sa dambaha? (LITO MAÑAGO)