aNGEL copy

KUNG ang Darna ay opisyal nang ipinasa ni Angel Locsin kay Liza Soberano, may ipinasa rin siya kay Kathryn Bernardo.

Sa press launch ng La Luna Sangre, binanggit ni Angel na ipinapasa na raw niya ang korona kay Kathryn.

Si Kath kasi ang gaganap sa papel bilang “itinakda” na ginawa ni Angel sa magkasunod na action fantaseryeng Lobo at Imortal.

Human-Interest

Netizens nanimbang sa nakaambang buwis sa freelancers, digital workers

Sabi ni Angel, si Kathryn na ang magtutuloy ng papel niya.

Sigurado at naniniwala siyang magagampanan ni Kathryn ang nabanggit na role dahil sa nakikita niyang dedikasyon nito sa trabaho.

Puring-puri at napahanga si Angel sa mga ipinakitang galaw at porma ni Kath sa fight scenes na napanood sa ipinakitang trailer bago inumpisahan ang prescon.

“Nu’ng sa amin kasi dati parang bara-bara lang ang mga fight scenes namin pero kay Kathryn, eh, kitang-kita mong pinaghandaan niya ito at talagang mapapabilib ka sa mga action scenes,” banggit pa ng premyadong aktres.

Nagbigay ng payo si Angel kina Kathryn at Daniel Padilla para sa gagawin pa nilang stunts sa La Luna Sangre.

“Sana unahin muna nila ang kanilang safety bago gawin ang anumang mga eksena. Kumbaga, dapat na lagi nilang ilagay sa isip nila na bago ang lahat, eh, ang sarili munang kaligtasan ang nasa utak nila,” sey ni Angel.

Marahil dahil sa aksidenteng nangyari kay Angel sa shooting ng pelikula nila noon ni Piolo Pascual na kinunan sa Australia, ang naging dahilan ng pagkaroon ng deperensiya sa likod niya kaya ganoon ang payo niya sa KathNiel.

Samantala, sa kanyang IG ay nag-throwback si Angel ng mga ginawa niyang eksena noon sa Lobo at Imortal. Pati na ‘yung magkasama sila ni John Lloyd sa kanilang fight scence sa ulanan at ang confrontation niya kay Pilar Pilapil na sinundan ng pagsasanib ng bolang apoy. (JIMI ESCALA)