ni Ador V. Saluta

LAST Saturday tinanghal na kauna-unahang grand champion ng Tawag ng Tanghalan Kids sa It’s Showtime, ang pambato ng Surigao del Norte na si Jhon Clyd Talili.

Jhon Clyd Talili
Jhon Clyd Talili
Sa pinagsamang text at hurado votes, nakakuha si Jhon ng kabuuang 89.9%, kasunod ang first runner-up na si Keifer Sanchez mula sa Visayas na umani naman ng 70.47% na kabuuang boto.

Iniuwi ni Jhon ang P1-M in cash, negosyo package (Master Siomai) at house and lot from Camella Homes. Si Keifer naman ay nag-uuwi ng P200,000 in cash.

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

Ang 3rd placer ay si Mackie Empuerto na bagamat binigyan o nakatanggap ng standing ovation ng mga hurado na sina Billy Crawford, Karla Estrada, Kyla, Jaya, Jed Madela, Karylle, Louie Ocampo at ang punong hurado na si Yeng Constantino ay kinulang naman sa text votes.

Ang fourth at fifth finishers na nakatanggap ng P50K each ay sina Sheena Belarmino ng Cebu at Francis Concepcion ng Mindanao.

Ngayong Lunes, magbabalik na ang orihinal na Tawag ng Tanghalan na pawang adults ang contestants.

Matatandaang si Noven Belleza ng Negros Occidental ang tinanghal na TNT grand champion (adults category) last March.