Zanjoe at Bella_ lang copy

MARAMING pinagkakaabalahan si Bela Padilla sa ngayon. Bukod sa kanyang soap na My Dear Heart (MDH), na magtatapos na sa Biyernes, nag-aaral siya ng film directing.

Sa thanksgiving presscon ng MDH last week, naitanong kay Bela kung may katotohanan ba ang tsismis sa kanilang dalawa ng co-star na si Zanjoe Marudo.

“Hindi pa po,” ani Bela nang tanungin kung handa na ba ulit siyang magkaroon ng boyfriend.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Pero makahulugan ang pahaging ni Zanjoe kay Bela nang tanungin naman kung may chance pa silang magkita pagkatapos ng kanilang serye.

Napatingin muna si Zanjoe kay Bela, at sabi, “Makikipagkita ka pa ba sa akin?” na sinuklian lang ng ngiti ng dalaga.

Si Bela ay galing sa ilang taon ding relasyon with Neil Arce, ang film producer na may-ari rin ng isang ice cream product. Kaya’t naiintindihan ng marami kung bakit mailap pa siya sa isang bagong relasyon, gaya ng nagpapahaging na si Zanjoe.

Diretsong sabi ni Bela, hindi pa siya ready na magka-boyfriend ulit.

“Honestly po (hindi pa ready), talagang literal “ aniya.

Esplika niya, “Last week, nag-shoot ako ng Sunday, Tuesday, Thursday, Saturday, Sunday sa Pampanga. MWF, (taping sa) My Dear Heart, so tumatawid na lang ako. Minsan isang oras na tulog na lang sa kotse, so hindi na rin talaga ako… ‘Yung panahon na magte-text ako, itulog ko na lang.

“So, kahit mayroong magparamdam or something, hindi talaga pupuwede.”

Not now daw, Zanjoe?

“Oo, eh. Parang gusto ko munang siguro papahingahin muna ako…” dagdag niyang sagot.

Bela and Zanjoe Marudo took the rumors linking them together lightly, nagbibiruan pa nga ang dalawa sa presscon.

Pero may nasabi si Zanjoe na, “Ngayon kasi estado namin, taguan ng feelings.”

Nagsimula ang rumors na may relasyon sina Bela at Zanjoe nang may makakita sa kanila na magkasama sa out of town trips. Kaya naitanong din sa kanila ang tungkol sa kanilang rumored trip to La Union.

“Ako, nasa La Union po ako para sa birthday ko. Sumunod lang naman si Z. Hindi naman parang planado,” rason ni Bela.

Nakita rin ang dalawa sa Bataan before Holy Week, at sagot ni Zanjoe, “Nasa Dagupan ako no’n, may show ako.”

‘Yung sa Tagaytay trip naman two weeks ago, sagot ni Zanjoe, “Hindi po ‘yan totoo lahat,” sabay iwas.

Kung magpapatuloy pa ang maganda nilang samahan after MDH, ibig sabihin, may somehing nga.

Hindi nga raw makapag-concentrate ang dalawa habang may trabaho dahil ang ilang eksenang kinukunan ay hand-to-mouth, ibig sabihi’y ang kinukunan sa partikular na araw ay ipalalabas na rin kinagabihan.

“‘Yung commitment namin dito sa show, kailangan talaga buo, hundred percent. Ibinibigay namin kasi itong show na ‘to, nagbibigay talaga ng moral lesson sa mga tao, so, di ba? Mahirap haluan pa ng mga iba pang personal na kagustuhan,” paliwanag ng aktor. (Ador Saluta)