TRIPOLI (AFP) – Inihayag ng isang armadong grupo sa Libya sa Facebook nitong Sabado na pinalaya nila si Seif al-Islam, ang anak na lalaki ng napaslang na diktador na si Moamer Kadhafi na nasa kanilang kustodiya simula noong Nobyembre 2011.

Sinabi ng Abu Bakr al-Sadiq Brigade, isang militia ng dating mga rebeldeng kumokontrol sa bayan ng Zintan sa kanluran ng Libya, na pinalaya si Seif al-Islam nitong Biyernes ng gabi, ‘’the 14th day of the month of Ramadan’’, sa ilalim ng amnesty law na ipinatupad ng parliament na nakabase sa silangan.

May magkakaribal na administrasyon ang bansang ito sa North Africa, at hindi kinikilala ng silangan ang UN-backed Government of National Accord (GNA) na nakabase sa kabisera.

Ang political rivalry at labanan ng mga militia ang humadlang sa mga pagsisikap ng Libya na makabangon sa kagulunan kasunod ng rebolusyon noong 2011 na nagpabagsak at pumatay ang ama ni Seif al-Islam. Pinag-aagawan ng magkakaribal na grupo ang langis ng mayamang bansa.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

‘’We have decided to liberate Seif al-Islam Moamer Kadhafi. He is now free and has left the city of Zintan,’’ saad sa pahayag sa Facebook.

Ang Zintan ay kontrolado ng armadong grupo na kontra sa GNA.

Si Seif al-Islam, 22, pangalawa sa walong anak ni Kadhafi. Bihasa siya sa English at madalas lumabas sa West bilang public face ng rehimen ng kanyang ama. Mayroon siyang arrest warrant para mga krimen laban sa sangkatauhan kaugnay sa mga labanan noong 2011.

Hindi magkasundo ang mga awtoridad ng Libya at ang International Criminal Court (ICC) kung sino ang dapat na humusga sa kanya.