PAGPAPRAKTISAN ni dating IBF flyweight champion Amnat Ruenroeng ng Thailand si Filipino Dado Cabintoy sa pagbabalik nito sa ring sa Hunyo 23 sa Calamba Sports Center sa Laguna.

Ayon sa chief trainer ni Ruenroeng na dating boksingero na si Aljoe Jaro, magkakampanya ang Thai Olympian sa junior bantamweight division dahil target nitong hamunin si WBO champion Jesus Magdaleno na umagaw sa korona ni multi-world division titlislt Nonito Donaire Jr. na isa ring Pilipino.

“The fight is set at bantamweight. But I would have preferred that Amnat fights at 122 lbs, and eventually challenge WBO jr. featherweight champion Jessie Magdaleno,” diiin ni Jaro sa Philboxing.com. hinggil sa Thai na inagawan naman ng korona ni two-division world titlist Johnreil Casimero sa rematch sa Beijing, China noong Mayo 25, 2016 via 4th round TKO.

“He did not even want to take the fight,” sabi ni Jaro hinggil sa rematch ninaCasimero at Ruenroeng. “Ruenroeng is making a comeback because he is interested in being a champion again. He eventually wants to return to 112 lbs and challenge either the WBO champion Zou Shiming or newly-crowned IBF champ Donnie Nietes of the Philippines.”

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

(Gilbert Espeña)