Nasawi ang isang pasahero habang 13 iba pa ang nasugatan matapos na aksidenteng bumangga sa puno ng narra ang sinasakyan nilang pampasaherong minibus sa Abucay, Bataan kahapon.

Ayon sa ulat ng Abucay Municipal Police, isinugod sa Bataan General Hospital ang 13 nasugatan, na gaya ng nasawi ay hindi muna pinangalanan ng pulisya.

Batay sa imbestigasyon, nawalan ng preno ang minibus (CXF-896) habang binabaybay ang Roman Highway sa Barangay Kalaylayan, Abucay, hanggang sumalpok sa puno ng narra.

Sinabi sa pulisya ni Charlie Pisaro, chairman ng Metro Bataan Development Authority, na mabilis umano ang takbo ng minibus nang mangyari ang aksidente.

Probinsya

5 buwang sanggol, natabunan sa landslide sa Davao City

Biyaheng Balanga City at San Fernando City ang minibus nang maaksidente. (Fer Taboy)