Kris copy copy

“HINDI naman natuloy si Kris (Aquino) sa APT Entertainment, ‘yan ang pagkakaalam ko kasi something went wrong, “ito ang sagot sa amin ng King of Talk na si Boy Abunda nu’ng makita namin siya sa taping ng Tonight With Boy Abunda pagkatapos ng My Dear Heart Thanksgiving presscon.

Tinanong kasi namin si Kuya Boy kung siya na ang manager ngayon ni Kris Aquino kasi nga nalaman naming wala siya sa pangangalaga ni Mr. Tony Tuviera.

“Kami ni Kris ay open, kapag kailangan niya ako to negotiate for her for some projects, nandoon ako. Magkaibigan kami ni Kris kaya open ang relasyon namin and if he needs my help, anytime nandoon ako,” pahayag ng King of Talk.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Nabanggit pa ni Kuya Boy na hindi lang naman daw siya ang tumutulong kay Kris.

“Marami, eh, kapag may gustong kumuha sa kanya for particular project at kung sino ang nakipag-deal, open siya.”

As of this writing (Sabado, Hunyo 10), inaasahang darating ang mag-iinang Kris, Josh at Bimby.

“Hinihintay ko nga siya kasi may pag-uusapan kami about a certain project,” say ni Kuya Boy.

Marami pa sana kaming itatanong sa TWBA host pero mabilisan lang ang tsikahan namin dahil malalim na ang gabi at may mga panauhin pa siya sa show na iinterbyuhin. (REGGEE BONOAN)