BATANGAS CITY - Isa na namang suspek sa bentahan ng ilegal na droga ang napatay ng mga awtoridad habang nakatakas ang dalawang kasamahan nito sa buy-bust operation sa Batangas City, nitong Miyerkules ng hapon.

Dead on arrival sa Batangas Medical Center si Jomar Marquez, alyas “Joel Pasia”, “Cobra”, 37, habang nakatakas naman ang mga kasamahan niya na ang isa ay nakilala lamang sa alyas na “Ericka” habang hindi pa nakikilala ang isa pa.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), dakong 4:55 ng hapon nang magsagawa ng operasyon ang City Drug Enforcement Team (CDET) sa Barangay Bolbok, kung saan napatay si Marquez matapos umanong manlaban.

Batay sa police report, sangkot umano si Marquez sa pagpatay kay PO2 Pancho Aguilar noong 2015, at hinihinalang supplier ng droga ni PO1 Francisco Bacayo, na napatay ng mga kabaro nito sa buy-bust nitong Hunyo 6. (Lyka Manalo)

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?