TAMA ang sinabi ng aming source na isa sa mga alam naming namamahala sa career ni Piolo Pascual nang tawagan at tanungin namin tungkol sa isyung lilisanin na raw ng aktor ang ABS-CBN.
Kahapon sa launching ng bagong set ng Sun Life Financial Digital Shorts sa Rizal Ballroom ng Shangri-La Makati na dinaluhan ng aktor kasama sina Judy Ann Santos, Matteo Guidicelli at Ms. Charo Santos, diretsang sinagot ng aktor na sinundo lang niya ang kaibigang si Direk Joyce Bernal sa GMA Network kaya siya nakita roon.
Pumutok ang tsismis na lilipat sa GMA-7 si Piolo nang i-blind item siya sa morning program nina Mike Enriquez, Arnold Clavio at Ali Sotto sa DZBB na napakinggan namin mismo. Ayon kay Mike, merong isang sikat na sikat na Kapamilyang actor na pumunta sa opisina ng GMA-7.
Dagdag pa ni Mike, sa tingin daw niya ay nakipag-meeting ng actor sa executives ng Siyete. Although walang pangalang binanggit, sa mga binanggit na clue ng tatlo, marami ang humula na si Piolo Pascual ang tinutukoy nila.
Paliwanag ng source, imposibleng mag-ober da bakod si Piolo na isa pa naman sa very loyal na talent ng Kapamilya Network. Isa pa, wala naman daw silang nakikitang dahilan para umalis sa Dos si Piolo.
“Wala kaming nabalitaang iiwanan ni Piolo ang pagiging Kapamilya. At sa totoo lang din naman, hindi rin makakapayag ang istasyon at lalung-lalo na ang Star Magic na numero unong alaga nila ang actor,” sey ng kausap namin.
“As far as I know, eh, hindi maaaring si Piolo ‘yun. Pero ang totoo may mga Kapuso na nakipag-appointment sa mga bossing namin. Merong actor, merong aktres at meron pang mga newscasters,” napatawang banggit pa ng source.
Itinanggi rin ng kausap namin ang isyu na may tampo raw si Piolo sa Star Cinema at sa ilang executives ng ABS-CBN, huh!
Samantala, malakas pa rin ang chemistry nina Piolo at Juday. Habang magkakasama kasi sila nina Ms. Charo at Matteo stage bilang endorsers ng Sun Life, nagkakamali-mali sa spiels ang dating magka-love team.
“Piolo... Judy Ann,” puna ni Ms. Charo, “nagkakamali-mali kayo, ha? Kinikilig tuloy ako.”
Hayun, kinilig na rin ang crowd sa ballroom.
Nag-wish tuloy si Ms. Charo na sana ay makagawa uli ng pelikula sina Juday at Piolo na panay naman ang tuksuhan kung kaya pa raw ba nilang ipagpatuloy ang dating love team nila.
Kung matutuloy, siguradong another blockbuster movie ito. (JIMI ESCALA)