LONDON (Reuters) – Sinabi ni Prime Minister Theresa May na dapat na patindihin ng Britain ang paglansag sa Islamist extremism matapos pitong katao ang namatay sa pag-atake ng tatlong salarin na ibinangga ang van sa mga naglalakad na tao sa London Bridge at pinagsasaksak ang mga nagsasaya sa mga nakapaligid na bar.

Matapos ang ikatlong pag-atake ng mga militante sa Britain sa loob lamang ng tatlong buwan, sinabi ni May na tuloy ang pambansang halalan sa Huwebes. Ngunit nagpanukalang i-regulate ang cyberspace at sinabi na masyadong nagpaubaya ang Britain sa extremism.

“It is time to say enough is enough,” sabi ng Conservative leader sa labas ng kanyang opisina sa Downing Street, kung saan naka-half mast ang mga watawat ng Britain.

“We cannot and must not pretend that things can continue as they are,” ani May, idinagdag na ang Britain ay inaatake ng mga bagong militante na gaya-gaya lamang.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Sinabi ni May na ang serye ng mga pag-atake sa bansa ay hindi magkaisang plinano at isinakatuparan, kundi inspired ng tinatawag niyang “single, evil ideology of Islamist extremism” na kumakatawan sa pagbaluktot ng Islam at ng katotohanan.

“We believe we are experiencing a new trend in the threat we face as terrorism breeds terrorism,” ani May.

“Perpetrators are inspired to attack not only on the basis of carefully constructed plots ... and not even as lone attackers radicalized online, but by copying one another and often using the crudest of means of attack.”