NAMAYANI ang Manuel Luis Quezon University-Victoria Sports laban sa Emilio Aguinaldo College, 73-68, kamakailan sa 2017 MBL Open basketball tournament sa Victoria Sports Tower sa EDSA, Quezon City.

Tumirada si Jayson Grimaldo ng 19 puntos, kasama ang dalawang clutch free throws sa huling 7.5 segundo upang tulungan ang Stallions na pataubin ang Generals para sa ikalawang panalo sa anim na laro.

Bago ang dalawang free throws ni Grimaldo, nabigo ang Generals sa dalawang pagtatangka sa three-point shot para itabla ang iskor.

Nag-ambag si Juan Miguel Gula ng 15 puntos habang nagdagdag si Nikko Lao ng 13 puntos para sa Stallions.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Sina Grimaldo at Gula ay nagtumpok ng pinagsamang 18 sa 25 puntos sa third-quarter ng Stallions nina manager Jomar Acuzar, consultant Jinino Manansala at coach Rainier Carpio.

Namuno si Jethro Mendoza para sa Generals sa kanyang 28 puntos, kasama ang conference-high na walong three-point sa kumpetisyon na itinataguyod ng Smart Sports, Ironcon Builders, Star Bread, Dickies Underwear and Gerry’s Grill.

Si Rustan Bugarin ay umiskor naman ng 15 puntos, kasama ang dalawang in-your-face dunks.

Iskor:

MLQU-Victoria Sports (73) - Grimaldo 19, Gula 15, Lao 13, De la Cruz 8, Fabila 8, Detubio 7, Asturiano 3, Estrella 0, Rivera 0, Sumay 0.

EAC (68) -- J. Mendoza 28, Bugarin 15, Cadua 7, Tampoc 7, Estacio 7, N. Mendoza 2, Torilla 2, General 0 Gonzales 0, Robin 0, Umali 0.

Quarterscores: 20-18, 37-32, 62-60, 73-68