MOSCOW – Nabakante man ng mahigit isang taon dulot nang pagkakasabit sa ‘doping’, kabilang si Russian tennis star Maria Sharapova sa ‘World Fame 100’ ng pamosong sports broadcaster ESPN.
Napili ng US-based TV-broadcaster si Sharapov bilang No. 23.
“Who are the most famous athletes on the planet?” tanong ng ESPN sa kanilang mga tagasubaybay.
“We devised a formula that combines endorsements with social media following and internet search popularity to create the ESPN World Fame 100 rankings,” ayon sa ESPN.
Nanguna sa listahan si football guru Cristiano Ronaldo ng Portugal, kasunod si US NBA icon James LeBron at pangatloa ng isa pang football icon na si Lionel Messi.
Sa kabuuan, ika-23 si Sharapova, ngunit para sa listahan ng mga babae, pangatlo siya sa likod nina US mixed martial arts fighter Ronda Rousey, (16th place) at US iconic tennis player Serena Williams (19th place).
Tanging si Sharapova lamang ang Russian female athlete na kabilang sa listahan.
Sa Italian Open, napilitang mag-withdraw si Sharapova laban kay Croatia’s Mirjana Lucic-Baroni sa second round bunsod ng injury sa kaliwang hita.
Naglaro rin siya sa Stuttgart sa Porche Open matapos mapaso ang 15-buwang suspensiyon na ipinataw sa kanya bunga ng pagpositibo sa ‘meldonium’ na kamakailan lamang napabilang sa ipinagbabawal na gamot ng World Anti-Doping Agency (WADA).
Hindi siya binigyan ng wild card sa French Open, ngunit siguradong makakalaro sa Wimbledon matapos makuha ang 178th ranked. Itinuturing pinakamatagumpay na Russian tennis player si Sharapova, tangan ang limang Grand Slam title (Australian Open 2008, the French Open 2012 at 2014, Wimbledon 2004 at US Open in 2006.
Nagwagi rin siya ng silver medal sa 2012 Summer Olympics sa London at 2008 Federations Cup champion. (PNA)