REGINE AT LEILA copy copy

PROUD na proud ang Mulawin vs Ravena star na si Regine Velasquez-Alcasid kay Leila Alcasid, ang anak ng kanyang mister na si Ogie Alcasid sa first wife nitong si Michelle van Eimeren.

Isa sa mga pagpapatunay nito ang pagiging supportive niya sa shoots at TV guestings ni Leila. Itinuturing ni Regine na sarili rin niyang anak ito. Sa katunayan, palaging nakahanda ang mga papuri niya kay Leila.

“Hala, ba’t ang sobrang ganda naman. Manang mana sa Nanay!!!!”

Human-Interest

Perwisyo! Netizen gumanti sa kapitbahay na nagparada ng kotse sa harap ng bahay niya

Nilinaw rin ni Regine na natural ang ganda ng mata ni Leila.

“By the way, NO colored contact lens. Those are her real eyes. Ang GANDA!” saad ni Regine.

Pero ang pinaka-striking sa lahat ay ang nakakatawang hashtags ni Regine para bigyan ng warning ang mga nais manligaw kay Leila. Aniya, istrikto si Ogie, kaya sinabihan niya ang mga ito ng, “Good luck!”

Samantala, kung palagi mang nagpapatawa in real life, kabaligtaran naman ito ng pagiging seryoso ng kanyang karakter sa Mulawin vs Ravena bilang si Sandawa. Kaya amazed na amazed sa kanya ang mga kasamahan niya sa telefantasya.

Inaabangan ng mga manonood ang mangyayari ngayong gagamitin na ni Daragit (Roi Vinzon) ang propesiya ni Sandawa upang takutin ang mga kalahi.