Nadiskubre ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BoC) sa loob ng isang barkong Vietnamese na nakadaong sa Talisay City, Cebu, ang nasa P123.2 milyon kargamento ng bigas mula sa Thailand na ilegal na ipinasok sa bansa.

Ayon sa report mula sa BoC, sakay sa M/V Kung Min ang nasa 3,080 metriko tonelada ng Thai rice.

Sinabi ni Customs Intelligence and Investigation Service-Cebu OIC Verne Enciso na isang “reliable informant provided an information on March 31 about the foreign vessel's illegal unloading of cargoes in Pooc, Talisay.”

Nabatid na hindi rin sumailalim sa inspeksiyon ang barko sa Cebu International Port (CIP).

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Matapos madiskubre ang kargamento, sinabi ni Cebu District Collector Elvira Cruz na kaagad na nagpalabas ang BoC ng warrant of seizure and detention (WSD) laban sa nasabing kargamento.

Kung isusubasta, sinabi ng BoC na aabot sa P200 milyon ang kikitain sa nasabing bigas. (Betheena Kae Unite)