UMASA ang Philippine Christian University sa makapigil-hining three-point shot ni Yves Sazon para maitakas ang 81-80 panalo laban sa matikas na Diliman College-JPA Freight Logistics sa 2017 MBL Open basketball championship kamakailan sa PNP Sports Center sa Camp Crame.

Kaagad na binitiwan ni Sazon ang bola mula sa rainbow area at walang aling na bumuslo may 3.7 segundo ang nalalabi sa laro upang gulatin at matsahan ang dating malinis na karta ng Blue Dragons sa torneo na itinataguyod ng Smart Sports, Star Bread, Dickies Underwear, Ironcon Builders at Gerry’s Grill.

Bago ang kabayanihan ni Sazon, nakumpleto ni African import Alex Diakhite ang kanyang three-point play upang ibigay sa Diliman ang 80-78 kalamangan may 11.3 segundo ang nalalabi.

Kaagad na tumawag ng timeout si PCU coach Elvis Tolentino para iguhit ang game-winner ni Sazon. Humingi rin ng time out si Diliman coach Rensy Bajar pero nabigo si Diakhite sa kanyang huling tirada.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Nanguna si Mike Ayonayon na may 34 puntos habang nag-ambag si Fidel Castro ng 31 puntos para sa Dolphins nina PCU president Dr. Junifen Gauuan, USPEAC head Dr. Martha Ijiran at coach Ato Tolentino. Nagdagdag si Sazon ng walong puntos para sa PCU, na naglaro na wala ang dating MBL MVP Von Tambeling.

Nanguna si Diakhite sa MBR Sports-supported Dragons na may 32 puntos.

Sa unang laro, winalis ng Colegio de San Lorenzo ang UNTV Cup champion Philippine National Police, 87-58, para sa ika-limang dikit na panalo.

Umiskor sina Dominic Formeto at import Soulemane Chabi Yo ng kabuuang 27 puntos para sa Dolphins nina CdSL president Monneth Balgan, manager Jimi Lim at coach Boni Garcia.

Iskor:

(Unang Laro)

CdSL- V Hotel (87)-- Formento 15, Chabi Yo 12, Castañares 12, Rosas 10, Callano 9, Paclarin 8, Laman 7, Alvarado 5, Calizo 4, Maravilla 3, Vargas 2, Astero 0.

PNP (58) –Tolentino 14, Sta Cruz 13, Cabrera 10, Omiping 7, Bayabao 7, Nichols 4, Cabahug 2, Saracho 1, Ongutan 0, Gonzales 0

Quarterscores: 22-10, 46-31, 68-51, 87-58.

Second game

PCU (81) – Ayonayon 34, Castro 31, Sazon 8, Mescallado 3, Abrigo 3, Saldua 2, Malto 0, Palattao 0,Vasquez 0, Catipay 0, Sumalacay 0, Bautista 0.

Diliman-JPA (80)– Diakhite 32, Gerero 9, Angeles 9, Onggulo 8, Toredo 7, Sombrero 5, Chavenia 4, Bauzon 4, Antalan 2, Ligon 0, Cuerquez 0, Salazar 0, Brutas 0, Tay 0

Quarterscores: 14-19, 30-38, 47-62, 81-80