Idineklara ng Department of Justice (DoJ) na submitted for resolution ang patung-patong na reklamo laban sa apat na pulis-Malabon na isinasangkot sa kidnapping at robbery extortion.

Ito ay matapos magsumite ng kontra salaysay sina SPO2 Ricky Pelicano, PO2 Wilson Sanchez, PO1 Joselito Ereneo at PO1 Frances Camua para sa reklamong kidnapping, robbery, carnapping at paglabag sa Section 29 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Samantala, nagtakda naman ng preliminary investigation si State Prosecutor Susan Azarcon para sa pitong iba pang pulis-Malabon na umano’y kasabwat ng apat na pulis sa insidente.

Isasagawa ang pagdinig sa Hunyo 5. (Beth Camia)

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20