Itinalaga kahapon ni Metropolitan Manila Development Authority Chairman Danilo Lim ang dalawang retiradong heneral ng Armed Forces of the Philippines (AFP) bilang bagong opisyal ng dalawang departamento ng ahensiya.

Nabatid na itinalaga ni Lim si Roberto Almadin bilang Officer-in-Charge (OIC) Assistant General Manager for Operations ng MMDA, habang si retired Gen. Joe Campo naman ang magsisilbing OIC ng Office of the Assistant General Manager for Planning.

Bukod dito, itinalaga rin ni Lim sa MMDA sina Jose Arturo Danilo Jr., OIC ng Planning and Concurrent Chief of Staff; Atty. Romano Artes, OIC ng Finance and Administration; Atty. Vic Pablo Trinidad, OIC ng Legal Affairs; at Atty. Michael Salalima bilang deputy chief of staff.

“Ang mga taong ito ay may mga record na magaganda. Hindi matatawaran ang kanilang serbisyo, pound-for-pound they can compete with all the others, at tsaka kilala ko itong mga ito,” sinabi ni Lim sa mga kawani ng MMDA sa flag ceremony sa ahensiya kahapon. (Bella Gamotea)

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race