LYON, France (AP) — Nakopo ng second-seeded na si Jo-Wilfried Tsonga ng France ang unang titulo sa clay court matapos gapiin si Tomas Berdych 7-6 (2), 7-5 sa Lyon Open final nitong Sabado (Linggo sa Manila).

Umiskor si Tsonga ng 13 ace at naisalba ang dalawang break point sa krusyal na sandali kontra sa third-seeded Czech opponent.

Nakuha ni Tsonga ang panalo isang araw bago ang pagsisimula ng pamosong French Open sa Roland Garros. Wala pang Frenchman na nagwagi sa Roland Garros mula nang magtagumpay si Yannick Noah noong 1983.

Matapos ang injury sa kanang balikat at pagiging ama sa unang anak, nalimitahan ang laro ni Tsonga sa Tour. Nakapaglaro lamang siya ng apat na laban bago sumalang sa Lyon. Nagwagi siya sa Rotterdam at Marseille nitong Pebrero, ngunit nag-withdraw sa second-round sa Madrid at Rome dahil sa injury.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon