TINALO ni undefeated No. 1 contender Errol Spence Jr. ng United States si IBF welterweight champion Kell Brook via 11th round TKO sa harap ng mga kababayan nito sa Bramall Football Ground sa Sheffield, Yorkshire, England at kaagad hinamon sa unification bout sina WBC at WBA champion Keith Thurman na isa ring Amerikano at WBO titlist Manny Pacquiao ng Pilipinas.

“I want to fight the best out there in our division, I want to fight either Thurman or Pacquiao to become undisputed welterweight champion of the world,” sabi ni Spence sa post-fight interview sa Fightnews.com matapos itala ang ika-22 panalo, 19 sa pamamagitan ng knockouts.

“Undefeated #1 contender Errol “The Truth” Spence, Jr. (22-0, 19 KOs) scored a hard fought eleventh round KO over IBF welterweight champion Kell “The Special One” Brook (36-2, 25 KOs) on Saturday night at the outdoor Bramall Football Ground in Sheffield, Yorkshire, England,” dagdag sa ulat.

“In an action packed fight, Spence dropped Brook with a body shot in round ten. In the eleventh round, Brook finally took a knee and stayed down for the count. His left eye was a mess. By defeating Brook, Spence gained the IBF welterweight champion title. Time was 1:47,” ayon pa sa Fughtnews.com.

Tatay kay Karl Eldrew: 'Tahimik mong ipanalo mga pangarap mo, dito kami ng Mama mo!'

Si Spence ang ikalawang sumisikat na Amerikano sa boksing na humamon kay Pacquiao matapos si Terence Crawford na naidepensa ang kanyang WBC at WBO light welterweight titles kay Felix Diaz Jr. via 10th round TKO nitong Mayo 20 sa New York City.

Nakatakda namang magdepensa ng kanyang WBO title si Pacquiao sa Hulyo 2 sa Brisbane, Australia laban sa walang talong si No. 2 contender Jeff Horn sa harap ng 55,000 panatikong boxing fans. - Gilbert Espeña