Pinaalalahanan kahapon ng kababaihang mambabatas si Pangulong Duterte na hindi biro ang panggagahasa, iginiit na ang huling pahayag ng Presidente tungkol dito ay mistulang naghihikayat sa mga sundalo na magsagawa ng pang-aabuso sa kababaihan.

Pinuna nina Gabriela Party-list Reps. Emmi De Jesus at Arlene Brosas ang biro ng Pangulo tungkol sa martial law rape sa harap ng mga sundalo sa Iligan City kamakailan.

“Rape is not a joke. Martial law and the heightened vulnerability to military abuse that it brings to women and children are not a joke either. President Duterte must be reminded that a rape joke made even as women and children’s lives are in great danger and when liberties and basic rights are being attacked is the height of insensitivity,” saad sa pahayag ng Gabriela. (Charissa M. Luci)

Musika at Kanta

Regine, 'di na kering makipagsabayan sa mga batang singer: 'It's no longer my time'