Sinabi kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang pagkubkob ng Maute Group sa Marawi City, Lanao del Sur ay paglulunsad sa plano ng teroristang grupo na magtatag ng probinsiya ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) na sasaklawin ang buong Mindanao.

Sa kanyang report na isinumite sa Kongreso, binigyang-katwiran niya ang pagdedeklara niya ng batas militar at pagsuspinde sa pribelehiyo ng writ of habeas corpus sa buong rehiyon.

Batay sa report, na may kopya rin ang mga miyembro ng Malacañang Press Corps, ang mga nangyari sa Marawi simula nitong Martes ay isang malinaw na pagtatangkang alisan ng kapangyarihan ang Presidente.

Kung ikokonsidera ang malinaw na kutsabahan ng mga teroristang grupo at mga lokal na grupo ng mga kriminal at armado, isang mahalagang hakbangin ang pagkubkob sa Marawi sa layunin ng Maute na makontrol ang buong Mindanao.

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

“These circumstances demand swift and decisive action to ensure the safety and security of the Filipino people and preserve our national integrity,” saad sa report ni Pangulong Duterte.

“The events commencing on 23 May 2017 put on public display the groups’ clear intention to establish an Islamic State and their capability to deprive the duly constituted authorities—the President, foremost—of their powers and prerogatives,” saad pa sa report ni Duterte.

“While the government is presently conducting legitimate operations to address the on-going rebellion, if no the seeds of invasion, public safety necessitates the continued implementation of martial law and the suspension of the privilege of the writ of habeas corpus in the whole of Mindanao until such time that the rebellion is completely quelled,” dagdag niya. (Argyll Cyrus B. Geducos)