Untitled-1 copy copy

Cavs, dinurog ang Celts sa Garden; Sabak sa Finals vs Warriors.

BOSTON (AP) — Tuloy ang NBA Lords of the Rim:Trilogy.

Hindi na pinatagal ng Cleveland Cavaliers, sa pangunguna ni LeBron James na tumipa ng 35 puntos, ang paghihirap ng Boston Celtics sa itinarak na 135-102 panalo nitong Huwebes (Biyernes sa Manila) para makopo ang ikatlong sunod na Eastern Conference finals at muling harapin ang Golden State Warriors sa NBA Finals sa ikatlong sunod na season.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Makasaysayan ang tagumpay kay James na nalagpasan ang ‘boyhood idol’ na si Michael Jordan sa pagiging NBA all-time playoff scoring leader. Nakopo ni James ang kabuuang 5,989 puntos para lagpasan ang 5,987 na nagawa ni Jordan sa 179 postseason games. Si James ay nasa kanyang ika-212 career postseason.

Nag-ambag si Kyrie Irving ng 24 puntos, habang kumana si Kevin Love ng 15 para sa Cavs, umabante sa pinakamataas na 39 puntos para sa isa sa pinakadominanteng kampanya sa playoff. Naitala rin ng Cavs ang ika-13 sunod na pagkakataon sa serye na kailangang tapusin ang laro.

Tangan ang 4-1 sa serye, umabante ang Cavs sa Finals na may 12-1 record sa postseason at muling makakaharap ang Warriors na nagapi nila sa nakalipas na season.

“I wear the number because of Mike,” pahayag ni James,

“I think I fell in love with the game because of Mike, just because of what he was able to accomplish. When you’re watching Michael Jordan it’s almost like a god. So I didn’t think I could be Mike.”

Ito ang ikapitong sunod na paglalaro ni James sa Finals.

“The biggest thing is I did it just being me, I don’t have to score the ball to make an impact on the basketball game,” sambit ni James. “That was my mindset. If I’m not scoring the ball, how can I still make an impact on the game?”

Sa dominanteng serye, malaki ang naitulong ni Irving na kumubra ng career playoff-high 42 puntos para igupo ang Celtics sa Game 4. Sa kabila nito, si James pa rin ang lider na kanilang sandigan.

“He’s been the driving force, this entire playoff run, and all of us have just helped us along the way,” sambit ni Irving.

Iginiit naman ni coach Tyrone Lue na handa ang Cavs sa anumang kaganapan.

“This team is a crazy team. They just stayed resilient all year, got to the playoffs, and we really stepped our game up,” aniya.”Now we can start focusing on Golden State to get ready. As of tonight, I’ll get started.”

Nanguna sa Boston si Avery Bradley na may 23 puntos.

Maagang rumatsada ang ‘Big Three’ ng Cleveland para palubohin ang bentahe sa 21 puntos sa first quarter. Sa kabila ng pagbubunyi ng home crowd, hindi nito naitaas ang kagitingan ng Celtics Pride.