Team Standings W L

CdSL-V Hotel 4 0

Diliman-JPA 4 0

FEU-NRMF 4 1

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

PCU 3 1

Wang’s 2 2

MLQU-Victoria 1 4

EAC 0 4

PNP 0 4

NAGPAKITA ng kakaibang lakas ang defending champion FEU-NRMF-Gerry’s Grill at Philippine Christian University upang itala ang parehong impresibong panalo sa 2017 MBL Open basketball tournament kamakailan sa fully air-conditioned FEU-NRMF gym sa Fairview.

Hataw sina Fil-German Glen Gravengard, Clay Crellin at Moustapha Arafat upang dominahin ng FEU-NRMF ang UNTV Cup champion Philippine National Police, 95-73, at itatak ang ikaapat na panalo sa limang laro.

Si Gravengard, isa sa mga talentadong players na umaasang mapipili sa nalalapit na PBA Draft, ay tumirada ng limang three-point shots at nagtapos na may game-high 25 puntos para sa Tamaraws nina manager Nino Reyes at coach Pido Jarencio.

Nag-ambag si Crellin, nahirang na MVP matapos pangunahan ang FEU sa titulo laban sa Emilio Aguinaldo College sa nakalipas na MBL Open, ng 15 puntos.

Kumawala naman ang opensa ni Arafat na may 13 puntos, kabilang ang ilang breakaway dunks sa huling bahagi ng laro na nagpasiya sa mga manonood.

Sumandal naman ang PCU sa mainit na second-half shooting nina Mike Ayonayon at Yves Sazon upang biguin ang MLQU-Victoria Sports, 76-47, at umakyat sa 3-1 sa kumpetisyon na itinataguyod ng Smart Sports, Starbread, Dickies Underwear, Ironcon Builders and Gerry’s Grill.

Umiskor si Ayonayon ng 22 puntos habang nagdagdag si Sazon ng 18 puntos para sa Elvis Tolentino-mentored Dolphins, bumawi mula sa nakapanglulumong 71-77 kabiguan sa kamay ng Colegio de San Lorenzo- V Hotel nitong Sabado.

Kumubra sina Ayonayon at Sazon ng 17 sa 24 puntos sa third quarter ng Dolphins’ nina PCU president Dr. Junifen Gauuan, ISPEAC head Dr. Martha Ijiran at coach Ato Tolentino.

Si Jayson Grimaldo ang nagdala ng laban para sa Stallions sa kanyang 14 marker.

Iskor:

(Unang laro)

PCU (76) -- Ayonayon 22, Sazon 18, Mescallados 9, Sumalacay 8, Castro 5, Catipay 5, Vasquez 4, Bautista 3, Palattao 2.

MLQU-Victoria Sports (47) -- Grimaldo 14, Lao 9, Estrella 7, Rivera 6, Sumay 4, Asturiano 3, De la Cruz 2, Fabila 1, Jamila 1.

Quarterscores: 15-15, 26-24, 50-37, 76-47.

(Ikalawang laro)

FEU-NRMF-Gerry’s Grill (95) -- Gravengard 25, Crellin 15, Arafat 13, Zamora 8, Diwa 8, Manalo 8, Gumabay 8, Raymundo 5, Gonzales 5, Tan 0.

PNP (73) - Abaya 18, Misola 10, Elopre 9, Bayabao 8, Onguran 7, Sagum 6, Raborar 5, Tolentino 4, Dia 2, Sagum 2, Ramirez 2.

Quarterscores: 32-8, 47-29, 65-52, 95-73.