Malapit nang pumasok ang tag-ulan sa bansa, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Inihayag ni Analiza Solis, officer-in-charge ng Climatology Division ng PAGASA, na posibleng magsimula ang tag-ulan sa pagitan ng Mayo 28 at Hunyo 5.

Paliwanag niya, maaari lamang nilang ideklara ang panahon ng tag-ulan kapag nakapagtala ng 25mm ng ulan ang lima sa walong pangunahing weather station ng bansa sa loob ng limang araw. Sa ngayon, tatlong weather station pa lamang ang nakapagtala ng naturang sitwasyon.

Nagbabala rin ang PAGASA sa pagpasok ng maraming bagyo sa bansa ngayong taon kumpara noong 2016. “Last year, 14 ang nakita nating bagyo. Ngayon, 17 to 20 ang ating inaasahan,” sabi ni Esperanza Cayanan, hepe ng weather division ng PAGASA. (Rommel P. Tabbad)

Vic Sotto, nasaktan sa ginawa ng TAPE sa Eat Bulaga