Sam copy

MALUNGKOT na ipinagdiwang ni Sam Milby ang 33rd birthday niya kahapon dahil hindi niya kapiling ang kanyang giflfriend na si Mari Jasmine na may trabaho sa Spain.

Kaya sa birthday salubong kay Sam ng mga kaibigan nitong nakaraang Martes, wala si Mari Jasmine.

Ayon sa aming source, nagbabad lang sa condo sa Taguig City kahapon ang singer/actor na medyo masama pa rin ang pakiramdam dahil siguro sa papalit-palit na klima nitong mga nakaraang araw.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Plano sanang mag-out of the country ni Sam pero hindi pumuwede dahil sunud-sunod ang promo niya para sa album na Sam:

12 na pawang sold out ang CD’s sa ginanap na mall show sa Venice Piazza Grand Canal Mall, Taguig City at Harbor Point, Subic.

Maganda rin ang feedback sa digital market ng carrier song niyang Who’s That Girl mula sa Star Music.

Kaliwa’t kanan ang meetings ni Sam para sa mga pelikulang gagawin niya sa Regal Entertainment at Viva Films.

(Reggee Bonoan)