CONCEPCION, Tarlac - Halos ma-trauma sa sindak ang isang babaeng empleyado matapos siyang gahasain umano ng isang katrabaho sa storage room ng kanilang pinagtatrabahuhan sa sa Barangay Sta. Rosa, Concepcion, Tarlac, nitong Lunes ng umaga.

Labingwalong taong gulang ang biktima na taga-Bgy. San Agustin, Concepcion, habang pinaghahanap ngayon ng pulisya ang suspek na si Jason Tiangco, 29, binata, ng Bgy. Care, Tarlac City.

Napag-alaman na habang abala ang dalaga sa pagtatrabaho ay tinawag siya ni Tiangco at nagpasama sa storage room, ngunit ikinandado umano siya roon ng suspek at ginahasa. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog