SEOUL (Reuters) – Sinabi ng North Korea kahapon na naging matagumpay ang pagsubok nito sa isang intermediate-range ballistic missile para kumpirmahin ang kaganapan ng late-stage guidance ng nuclear warhead, na nagpapahiwatig sa lumalakas na kakayahan nitong tamaan ang mga target sa United States.
Iniulat ng KCNA news agency ng North na mismong si NoKor leader Kim Jong Un ang namahala sa pagsubok na nagpatunay rin sa paggana ng solid-fuel engine para sa Pukguksong-2 missile at iniutos na isabak na ito sa labanan.
Sinuway ng North ang mga panawagan ng mundo na itigil ang nuclear at missile program nito sa katwirang kailangan ang mga armas para sa lehitimong pagdepensa sa bansa. Huling nagsagawa ang North ng ballistic missile test isang linggo na ang nakalipas.
“Saying with pride that the missile’s rate of hits is very accurate and Pukguksong-2 is a successful strategic weapon, he approved the deployment of this weapon system for action,” ulat ng KCNA, sinipi ang mga pahayag ni Kim.
Lumipad ang missile ng halos 500 kilometro at umabot sa taas na 560 km bago bumagsak sa dagat sa silangan ng North, sinabi ng South Korean military nitong Linggo.
Ayon sa mga eksperto, dahil sa solid fuel engine at mobile launcher ay lalong magiging mas mahirap ang pag-detect sa anumang senyales ng paghahanda para sa pagpapakawala ng missile.