BARBIE copy copy

PAGLILINAW sa una naming nasulat na between 18,000 to 20,000 ang taong dumating sa Robinsons Angeles noong May 14 sa mall show ng cast ng Meant To Be.

Hindi lang pala ganu’n karami ang bilang ng crowd dahil ang total number ng dumating ay 29,000. Galing sa management ng mall ang headcount at hindi galing sa GMA-7.

Makikita sa video na lumabas na marami talaga ang tao, lahat ng floors, puno. Nabasa rin namin ang kuwento ng fans na sobrang siksikan sa venue at hindi na sila makakilos sa sobrang dami ng tao.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Nasubukan uli ang lakas sa tao ng mga taga-MTB sa Magayon Festival sa Legaspi City earlier this week.

Sa May 27, kabilang sina Ken Chan, Ivan Dorschner, Addy Raj at Jak Roberto sa performers sa Stop The Hate Spread The Love concert ng Thomasian Alumni na gaganapin sa UST. Ang boys lang ang performers, wala si Barbie Forteza.

Samantala, medyo nabawasan ang tampo ng fans nina Barbie at Ken at Barbie at Ivan ng sama-samang manood ng sine sina Barbie, Jak, Ivan at Ken habang on call sila sa taping ng MTB. Hindi nila nakasamag manood si Addy.

Nagtatampo na ang KenBie fans nina Ken at Barbie at VanBie fans nina Ivan at Barbie dahil laging magkasama sina Barbie at Jak. Parang exclusively dating na nga ang dalawa at dahil doon, may fans na nagpahayag ng pagkadismaya.

Nawala raw ang kilig kina Barbie at sa ibang ka-love team dahil nakikita nilang mas pabor ito kay Jak. May mga bumitaw nang manood ng MTB dahil para sa kanila, wala nang rason para subaybayan pa ang pagpili ni Billie (Barbie) ng ka-meant to be dahil si Jak na ang pinili nito. Ang iba, tinamad ng mag-tweet at maki-Twitter party.

Sana raw, kung real life couple na nga sina Barbie at Billie, sana pagkatapos na ng Meant To Be sila lumabas at nagde-date para hindi nawala ang kanilang ilusyon na isa sa kanilang manok ang pipiliin ni Billie. (Nitz Miralles)