PIOLO AT SHAINA copy

NAKAKAALIW ang TFC subscriber na nagtatanong sa amin kung ano na ang update kina Piolo Pascual at Shaina Magdayao dahil wala na raw silang nababasa. Tuloy pa raw ba ‘yung ginagawa nilang indie film na ididirihe ni Lav Diaz?

Tahimik nga ang dalawa, kasi busy sa kani-kaniyang projects.

May nagtanong din kung magsasama sila sa isang serye, bagay naman daw. In fairness, marami pala ang boto sa tambalang Piolo at Shaina.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Busy si Shaina sa araw-araw na taping ng The Better Half na hindi na binibitiwan ng viewers dahil alam na ni Carlo Aquino (Marco) na si Camille (Shaina) ang una niyang asawa.

May panibagong laban na haharapin si Camille dahil isang trahedya ang nagbabadyang maglagay sa kanyang pamilya sa panganib. Kasabay ng patuloy na paghahanap sa katotohanan, muling masusubukan ang katatagan ni Camille dahil hindi inaasahang matutupok ng apoy ang kanilang tirahan na maglalagay sa kanilang buhay sa bingit ng kamatayan.

At sa nangyaring trahedya ay kasama ng pamilya nila si Marco (Carlo) na tutulong upang mailigtas sila mula sa kapahamakan.

Makaligtas kaya sila mula sa trahedya? Mapanatili kaya nila ang kanilang katatagan bilang pamilya? Panoorin ang mga buhay na pinagsama-sama at sinira ng pag-ibig sa The Better Half pagkatapos ng Pusong Ligaw sa ABS-CBN.

(Reggee Bonoan)